top of page

7 tips para maiwasan ang eye strain

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 26, 2020
  • 2 min read

ni Lolet Abania | July 26, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Sa lahat ng parte ng ating katawan ang mata ang pinakamaraming trabahong ginagawa. Napapahinga lamang ito sa tuwing matutulog tayo. Pero pagkagising, heto at ratsada na naman siya sa pagtingin sa mga cell phones at computers. Hindi natin namamalayan na nasasagad nang husto ang ating mga mata o tinatawag na eye strain.


Ayon sa ophthalmologist na si Dr. James Luz, nangyayari ang eye strain kapag napapagod ito sa sobrang gamit gaya ng pagtingin o pagtitig sa computer screen at iba pang digital devices. Nagiging resulta nito, pangangati, pagluluha, dry o sore ang ating mga mata, gayundin, may sintomas na masakit ang ating ulo.


Heto ang ilang payo ni Dr. Luz, upang maiwasan ang eye strain:

  1. Magkaroon ng Distansiya. Mabuting dumistansiya tayo sa screen ng kasing layo ng ating braso o 40-75 cm distansiya sa mata. Ilagay din ang device sa mababang anggulo para makarelaks ang mata.

  2. Katamtamang Liwanag. Dapat na katamtaman ang liwanag ng screen, nasa level na 50-70% ito o kaparehong linaw ng paligid. Hindi kinakailangan na 100% dahil sa magiging masakit sa mata ang sobrang liwanag.

  3. Gaano ang “Too Long”. Maaaring mahabang oras ang ikonsumo sa harap ng screen subalit, kailangan na tumingin sa iba ng mga 15 minuto, kapag nakadalawang oras nang nakababad ang mga mata sa screen.

  4. I-Exercise ang Mata. Isang paraan para marelaks ang mga mata ay tumingin sa bagay na malayo. Mare-re-focus ang iyong vision para makapag-adjust ng malayo, na tutulong upang ma-exercise ang iyong mata.

  5. Blues at Greens. Mainam sa mga mata ang mga kulay na asul at berde. Nagbibigay rin ng relaxation ang mga ito kapag nakikita ng mga mata.

  6. Manatili sa tinatawag na “20-20-20 rule”. Ito ang pinakamaganda sa ating mg amata, dahil sa, 20 minutes gagamit ka ng computer, dapat 20 seconds pahinga ka, na kailangang nakatingin ng 20 feet away upang ma-re-focus ang mata at marelaks.

  7. Gumamit ng Protective Eyewear. Siguruhing magpakonsulta sa isang ispesyalista o doktor sa mata kung kailangan ng corrective lenses para makatulong at magprotektahan ang iyong mga mata. Mabibigyan rin ng eye lubricants natutulong na mabawasan ang eye strain.


Payo rin ni Dr. Luz ang paggamit ng airtight medical goggles tulad ng sa medical frontliners at mga lightweight eye shields na magbibigay proteksiyon kapag kailangang lumabas ng bahay.


Mainam na pangalagaan natin ang ating mga mata upang lagi nating natatanaw ang magandang buhay. Okie!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page