600K empleyado, balik-trabaho ng Setyembre — DOLE
- BULGAR

- Oct 2, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | October 2, 2021

Nasa tinatayang 600,000 manggagawa ang muling nakapasok sa trabaho nitong Setyembre, ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.
Ito ang naging pahayag ni Bello matapos na i-report kamakailan ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang unemployment ng 3.88 milyon noong Agosto sa gitna ng ipinatutupad na mas mahigpit na lockdown para maiwasan ang pagkalat ng mas nakahahawang Delta COVID-19 variant.
“Ngayon lumuluwag na, mukhang mga 600,000 plus na napare-employ,” ani Bello sa isang interview ngayong Biyernes.
“The labor force participation bounced back for an increase of 3.375 million,” sabi ng kalihim.
“This indicates jobseekers’ confidence to enter the labor market and become economically active,” dagdag pa ni Bello.
Ang naitalang labor force participation rate, bilang ng mga indibidwal na aktibong naghahanap ng trabaho, ay lumaki ng 63.6% mas mataas kumpara sa 59.8% noong Hulyo.








Comments