top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

6 hakbang para umunlad at guminhawa ang buhay ng mag-asawang pareho ng birth date at zodiac sign

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 1, 2020
  • 3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| October 1, 2020



Dear Maestro,

Sobrang hirap ng buhay namin ngayon at hindi ko na alam kung kailan kami giginhawa. May tindahan kami, pero napakahina benta at maliit lang ang suweldo ng aking asawa sa pagda-drive ng tricycle at ngayong panahon ng pandemya ay halos wala nang kinikita. Gusto kong humingi ng tulong kung paano kami aasenso at ano ang suwerte sa aming kulay, pandisplay at ano’ng araw at taon kami giginhawa?


Ang birthday ko ay April 15, 1980 at ang mister ko naman ay April 6, 1977. Sa pagkakaalam ko, pareho kaming may birth date na 6, sa zodiac sign na Aries. Tama ba? Masaya naman kami at hindi nag-aaway, kaso wala kaming pera, kaya nahihirapan kami at minsan ay nalulungkot kasi hindi namin mabili ‘yung mga bagay na gusto namin.


Umaasa,

Odessa ng San Nicolas, Gapan, Nueva Ecija

Dear Odessa,


Tama ka, pera ang isang bagay na nagpapasya sa mag-asawa at hindi lang sa mag-asawa kundi sa buong pamilya, higit lalo sa panahong ito na may pandemya kung saan kailangang-kailangan natin ang pang-araw-araw na panggastos at pantustos sa pangangailangan ng ating pamilya.


Samatala, ayon sa pagsusuri sa Numerology, parehong-pareho nga kayo ng mister mo na may birth date na 6, dahil ang birth date mong 15 ay 1+5=6 at nagkataon ding pareho kayo ng zodiac sign na Aries na nagtataglay ng planetang Mars. At dahil ang planetang Mars ang ruling planet ng mga isinilang sa zodiac sign na Aries, na nangangahulugang pula ang pinakasuwerte n’yong kulay, dahil pula ang kulay ng planetang Mars at puwede ring pink at maroon.


Kaya ang unang solusyon upang umunlad ang inyong kabuhayan, magkapera at lumigaya na rin ang inyong pamilya, lalo na’t sa mga susunod na buwan ay magpa-Pasko na, lagi kayong magsuot at gumamit ng pula simula ngayon. Puwede rin kayong magsuot ng mga bato na pula, kahit na anong uri ng bato na ipalalamuti sa silver na singsing.


Ang ikalawang solusyon ay pagkain. Dahil ang birth date n’yo ay parehong 6, na ang ruling planet naman ng numerong 6 ay Venus, iminumungkahing masasarap na pagkain ang dapat n’yong ihalo sa inyong paninda.


Kung hindi man pagkain, puwede na rin ang masasarap at malinamnam na tinapay at iba pang sitsirya. Basta ang keyword, “masasarap” at “malinamnam” na pagkain ang mga produktong magpapaunlad sa inyo. Ganundin ang lahat ng makukulay na produkto o kalakal na puwede ring kaakit-akit tingnan, ang kulay at lasa.


Dagdag pa rito, ang ikatlong solusyon upang umunlad at lalo pang sumagana ang inyong kabuhayan, kung may bakanteng lote sa harap ng inyong bahay, magtanim kayo ng mga bulaklaking halaman. Basta ang keyword, “pagandahin” at gawin n’yong romantic at kaaya-ayang tingnan ang inyong bakuran at kapaligiran upang mabuhay ang inyong libido na magdadala ng pag-unlad, ligaya at kasaganaan habang kayo ay patuloy na nagsasama at nagmamahalan.


Samantla, ang ikaapat na solusyon ay kailangang may pintura ang inyong bahay. Kumbaga, kahit maliit, kailangang malinis at magandang tingnan. Maaliwalas na kapaligiran ang keyword upang mabuhay ang inyong awra na siyang sasagap ng mas marami pang magagandang kapalaran.


Ang ikalimang solusyon, panatilihin mo ang ikatlong lagda, pero simulan mo sa dollar sign ($) ang letrang “S”. Sa ganyang lagda, magsisimula na kayong umunlad at yumaman.


Habang ang ika-anim at panghuling solusyon, tulad ng kasalukuyang nangyayari, huwag kayong mag-aaway at lagi kayong magmamahalan. Tandaan na si Venus ay siya ring itinuturing na Diyosa ng pag-ibig at kagandahan, kaya kapag laging puno ng pag-ibig ang pamilya at maganda ang inyong kapaligiran, kusang maaakit ang magagandang kapalaran, lagi na kayong susuwertehin at magiging maligaya habambuhay.


Habang, ayon sa Decadens ng Kapalaran, Odessa, basta sinunod n’yo ang simpleng anim na rekomendasyong binanggit sa itaas, tiyak ang magaganap sa 2022, sa edad mong 42 pataas dahil magsisimula na kayong makaahon sa kahirapan at umunlad hanggang sa tuluy-tuloy na ring yumaman ang inyong pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page