by Angela Fernando @News | September 4, 2024
Ipinakita ng isang ulat ng Commission on Audit (COA) na sa ilalim ng pamumuno ni Bise-Presidente Sara Duterte nu'ng 2023, nakapagtayo lamang ang Department of Education (DepEd) ng 192 o 3% sa target na 6,379 silid-aralan.
“Only 192 (3.01 percent) out 6,379 classrooms were completed/constructed in CY 2023 due to realignments because of modifications in the projects’ design. A total of 4,391 classrooms are still under construction, and 550 are yet to undergo various stages of procurement,” saad sa COA report.
Samantala, binanggit din ng COA na sa 7,550 silid-aralan na dapat ipaayos ng DepEd nu'ng 2023, 208 silid-aralan lamang ang natapos, 2,135 ang kasalukuyang inaayos, habang 5,207 silid-aralan ang hindi pa naipapasa sa proseso ng pagsasaayos.
Tinukoy din ng mga state auditors na tatlo lamang o 3.41% sa 88 Last Mile Schools (LMS) ang natapos. Ang LMS ay isang programa ng DepEd na naglalayong tugunan ang kakulangan sa mga mapagkukunan at pasilidad ng mga paaralan na matatagpuan sa mga geographically isolated at disadvantaged areas.
Comments