top of page
Search
  • BULGAR

53 arestado sa sabong

ni Maeng Santos | July 4, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Nasa 53 katao ang arestado matapos salakayin ng pulisya ang isang tupada sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.


Ayon kay Northern Police District Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, ang pagkakaaresto sa mga suspek ay kasunod ng ilang reklamo na natanggap sa text at tawag sa telepono ni District Special Operation Unit Chief Lt. Col. Giovanni Caliao I, mula sa concerned citizen hinggil sa ilegal umanong tupadahan sa Lamesa St., Bgy. Ugong.


Bumuo ng team ang DSOU, kasama ang Special Weapon and Tactics (SWAT) team at District Mobile Force Battalion (DMFB), at sa koordinasyon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Fernando Ortega ay isinagawa ang raid sa naturang lugar ala-1:50 ng hapon kung saan naaktuhan ang mga suspek na nagsasabong.


Gayunman, sinabi ni P/Maj. Amor Cerillo ng DSOU na nanguna sa pagsalakay na ilang iba pang mga indibidwal ang nagawang makatakas.


Nasamsam ng mga pulis sa lugar ang bet money na aabot sa P721,300, 15 buhay na panabong, dalawang patay na panabong, iba’t ibang cockfighting paraphernalia at isang unit ng Cal. 40 Glock pistol na may magazine at 24 piraso ng bala.


Maliban sa 81-anyos na lolo at dalawang babae, dalawa pang senior citizens ang kasamang naaresto sa raid.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page