50 residente sa drug rehab center infected ng COVID-19
- BULGAR

- Jul 21, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 20, 2020

Tinatayang 50 residente mula sa government-run drug rehabilitations sa Cebu ang infected ng coronavirus o COVID-19, ito ang pahayag ng Department of Health-Central Visayas.
Ayon kay DOH-7 spokesperson Dr. Mary Jean Loreche, nasa isolation na ang mga tinamaan ng COVID-19 na residente na nagmula sa Treatment and Rehabilitation Center sa Argao, Cebu.
Kinukumpirma na lamang nila ang lebel ng impeksyon -- asymptomatic, moderate o severe symptoms mayroon ang bawat residenteng infected. Inaalam rin ng ahensiya kung saan nagsimula ang virus at paano kumalat sa pasilidad, samantalang dalawang oras ang layo ng biyahe ng rehabilitation center sa Cebu City.
Subalit may teorya sila na maaaring ang virus ay na-transmit ng isang staff member, na nakuha niya na nanggaling sa community transmission ng rehiyon. May kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa naturang rehiyon na 11,668, na mayroong 3,188 nakarekober at 534 ang namatay.





Comments