50 online groomers, arestado... 53 planong pamamaril sa mga iskul, buking

ni Mervin Reyes @News | October 9, 2026

Photo: Jonvic Remulla - 1st Metro Manila School Safety and Security Summit 2026 - PNP NCRPO
Napigilan ng mga awtoridad ang 53 planong pamamaril sa mga paaralan sa South Cotabato kasunod ng insidente ng pamamaril sa Banga, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.
Ani Remulla, nasa 50 hinihinalang online “groomers” na umano’y nagpaplano ng mga pag-atake ang naaresto.
“That night, that week there were 53 planned school shootings in South Cotabato, lahat 'yun natigil namin,” ani Remulla sa sidelines ng 1st Metro Manila School Safety and Security Summit 2026 sa Quezon City.
Ayon kay Remulla, hindi agad inilabas ang impormasyon dahil sensitibo ang mga kaso at sangkot ang mga batang may paglabag sa batas.
Samantala, sinabi ni NCRPO officer-in-charge Brig. Gen. Christopher Abrahano na may nakahandang mga protocol at standard procedures ang pulisya at mga paaralan sa pagtugon sa ganitong mga insidente.





Comments