Search
  • BULGAR

5 sports na humahakot ng medalya, igigiit sa 2021 SEAG

ni Gerard Arce - @Sports | June 29, 2020




Susubukang maipasok ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang 4 sa 5 sports events na humakot ng gintong medalya para sa bansa sa nakalipas na 2019 Southeast Asian Games sa oras na buksan ang paglo-lobby sa darating na biennial meet sa susunod na taon ng host Vietnam.


Tatangkain ni Tolentino na maisama ang Arnis, Dancesports, Kickboxing, Obstacle Course at Modern Pentathlon sa mga sports events ng 31st regional meet kahit na aminadong mahihirapan ito lalo’t ang host country ang masusunod sa mga isasalang na pampalakasan.


Nauna ng inamin ng pinuno rin ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (Philcycling) na pinangangambahang mabawasan ang mga sports event sa susunod na stage nito na patuloy pa ring hindi na pag-uusapan sa ngayon dahil hindi pa naitu-turnover ng opisyal sa Vietnam ang SEA Games na naudlot nitong Abril o Mayo dahil sa Covid-19.


“As of now, hindi ko masabi ang mga events na kasali at lalaruin sa Vietnam, with this pandemic, slash rin iyong budget nila, but I will lobby arnis, dancesports, kickboxing, obstacles course and pentathlon definitely,” pahayag ni Tolentino sa ginanap na POC pressconference.


Mayroong naibulsang 14 golds, 4 silvers at 2 bronze para sa kabuuang 20 gold medals na paglalabanan, kung saan sa lahat ng kategorya sa men at women’s Livestick, Padded Stick at Anyo ay nagmedalya ang Pilipinas; Sinayaw naman ng Dancesports ang 10-out of-13 golds at 2 silvers sa Standard event (Quickstep, Slow Foxtrot, Tango, Viennese Waltz, Waltz at Five Dance), Latin American event (Cha Cha Cha, Jive, Paso Doble, Rumba, Samba, at Five Dance) at Breakdance.


Winalis naman ng Obstacle Course ang 6 na gintong medalya kasama pa ang 3 pilak at 1 tanso sa men at women’s 100m, men at women’s 5km, Team Relay 400m at Team Assist 400 m. Pumangalawa naman ang Kickboxing sa naiuwing 3-2-1 gold-silver-bronze medals laban sa 4-0-2 ng Vietnam sa Lick light, Full Contact at Low Kick events; at ang Pentathlon team sa 2-1-2 rekord na napagwagian ng Indonesia sa 4-0-2 medals.


Sa kabuuan, humakot ang limang sports ng 35 ginto, 12 pilak at 6 na tansong medalya para makatulong sa pangkalahatang 149 golds, 117 silvers at 121 bronze medals para sa ikalawang overall title ng bansa.


Gayunman, inamin ng representante ng ika-8th distrito ng Cavite na marami ang mawawala sa mga events na malakas ang Pilipinas sa nagdaang 30th edisyon na mayroong 56 sports events na ginanap noong Nobyembre-Disyembre sa iba’t ibang parte ng Luzon.


Malaki ang posibilidad na ilagay ng Vietnam ang mga paborito nitong sports na Shuttlecock at martial arts na Vovinam, habang, maaaring maisama ang mga sports na walang nakuhang gold medal ang bansa gaya ng badminton, bowling, chess, football, handball, netball, table tennis at volleyball.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.