top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

5 Pirasong alahas, pahiwatig na mag-a-abroad at sakripisyo para sa pamilya

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 6, 2022
2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 6, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rowena ng Baguio.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may natanggap akong dalawang balikbayan box galing sa sister ko na nagtatrabaho sa Singapore. Pero nang buksan ko ‘yung isa, wala naman itong laman. Buti na lang, ‘yung pangalawang box ay may laman na mga alahas. Binilang ko ang mga alahas at limang piraso ito, may laman ding tatlong blouse na linen ang tela, kulay puti ‘yung isa at ‘yung dalawa naman ay rainbow.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rowena


Sa iyo, Rowena,


Ang nakatanggap ka ng dalawang balikbayan box mula sa sister mo na nasa Singapore at ‘yung isa ay walang laman ay nagpapahiwatig na may kakaharapin kang kamalasan sa buhay. Buti na lang, may laman ‘yung isa pa. May kaugnayan naman sa iyong future ang ibig sabihin nito. Magiging maganda ang future mo kung mananatiling positibo ang pananaw mo sa buhay. Dahil dito, iwasan mong maging nega para makamit mo ang iyong mga pangarap.


Ang blouse na linen at puti ay nagpapahiwatig ng mga hindi inaasahang biyaya na mapasasaiyo. ‘Yung rainbow color naman ay nangangahulugang may mamanahin kang malaking halaga mula sa yumao mong mahal sa buhay.


Gayunman, ang sabi mo ay tatlo ‘yung blouse, ibig sabihin, bukal sa loob ang pagtulong mo sa iyong pamilya balang-araw at may gantimpalang nakalaan sa iyo ang tadhana dahil sa pagsasakripisyo mo.


Samantala, ang mga alahas naman ay nagpapahiwatig ng paghanga at pagmamahal ng karelasyon mo. Mahal na mahal ka niya at gusto na niyang pakasalan ka sa lalong madaling panahon.


Ang ibig sabihin ng limang pirasong alahas, may posibilidad na mag-abroad ka gaya ng sister mo. Puwede ring magnegosyo ka habang nasa abroad.


Ang dalawang box ay nangangahulugan ng pabago-bagong isipan. Makabubuti na kung ano ang unang desisyon ay ‘wag mo nang baguhin dahil ginabayan ka ng holy spirit sa unang desisyon mo at kapag nagdalawang-isip ka, hindi magiging maganda ang resulta.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page