top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

5 patay, anim sugatan sa pag-atake sa simbahan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | July 12, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Lima ang patay at anim ang sugatan matapos mang-hostage ng mga suspek sa isang simbahan sa South Africa, ayon sa pulisya.


Walang malinaw na report ng bilang ng hostages sa loob ng simbahan na iyon, subalit pinakawalan din silang lahat, ayon sa South African Police Service.


Inaresto ng pulisya ang 40 suspek dahil sa ginawang pag-atake ng mga ito sa International Pentecostal Holiness Church sa Zuubekom, northwest ng Pretoria.

Sa mga namatay, apat dito ay natagpuang may tama ng bala sa nasunog na kotse, samantalang ang isang biktima na security guard ay nasawi nang pagbabarilin habang rumiresponde sa insidente. Sugatan naman ang mga police officers na agad dinala sa ospital.


Mahigit sa 34 firearms, kabilang ang rifles, short guns at pistols, ang nakumpiska ng pulisya.


“I am certain that the speedy response by the joint security forces has averted what could have been a more severe blood bath,” sabi ni National Commissioner of Police General Khela John Sitole.


“It is rather unfortunate that such an incident takes place during a time when South Africa is being plagued by a deadly virus and violent crimes,” sabi pa ni Sitole.


Agad na rumesponde ang mga pulis sa report na may nagaganap na barilan at pag-atake sa simbahan ng alas-3 ng umaga.


Pumasok ang grupo ng gunmen sa simbahan at inatake umano ang mga taong nasa loob nito at sinasabing, “they were coming to take over the premises,” ayon sa report ng pulisya.


Iniimbestigahan na ang insidente na ayon sa pulisya, may posibilidad na ang pag-atake ay nangyari dahil sa internal feud ng dalawang conflicting parties ng simbahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page