5 milyon Pinoy, target irehistro sa national ID system
- BULGAR

- Sep 17, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 17, 2020

Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapagrehistro ng tinatayang limang milyong Pinoy sa national ID system ng bansa bago matapos ang huling tatlong buwan ng taon, ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Karl Kendrick Chua.
Sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Finance sa NEDA para sa mungkahing P11.17-billion budget, nabanggit ni Chua na siyam na milyong Pinoy ang unang ipe-pre-register ng PSA hanggang sa layong mairehistro ang limang milyon na mula sa low-income households para sa national identification system bago matapos ang 2020.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang pre-registration ay isasagawa sa 32 probinsiya na naiulat na nasa low-risk ng sakit ng COVID-19.
"We want to protect the registrant and the registration officers. We will do house-to-house to conduct first the pre-registration, to collect the demographic information and then we will set an appointment system so that the registrant will be going to our mobile registration centers on a specific day and specific hour," sabi ni Mapa.
"This is to minimize crowding, queueing, and lessen the time spent in the registration center," sabi pa niya.
Gayundin, may kabuuang 655 registration centers na matatagpuan sa mga lokal na pamahalaan, ang tatanggap ng pre-registration upang makumpleto ang kani-kanyang fingerprint at iris scan, at photographed.
Dagdag pa ni Chua, ang pre-registration ay sisimulan sa kalagitnaan ng Oktubre.
Samantala, 90 milyong Pinoy ang maaaring mabigyan ng national ID bago matapos ang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Malacanang.





Comments