5% dagdag-discount kada dekada sa edad ng senior
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 24, 2026

Photo: File
Inihain sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga senior citizen sa bansa.
Ayon sa House Bill No. 5187 o ang panukalang Expanded Senior Citizens Act of 2010 na isinusulong ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes, ito'y
naglalayong magbigay ng dagdag na diskuwento sa mga nakatatanda habang sila ay tumatanda.
Sa ilalim ng panukala, madadagdagan ng limang porsyento ang kasalukuyang 20-percent senior citizen discount kada sampung taon ng edad simula 70.
Habang tumatanda ang mga senior, mas lumalaki rin ang kanilang gastusin para sa healthcare, maintenance medicines, mobility assistance, at pang-araw-araw na pangangailangan habang patuloy namang bumababa ang kanilang kakayahang kumita.
Samantala, inihain naman ang House Bill No. 5862 o ang proposed Public Nursing Home Act of 2025 na nag-uutos sa pagtatayo ng mga pampublikong nursing home para sa mga matatanda sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa.
Nakasaad sa panukala na dapat may sapat na pasilidad, kwarto, suplay ng tubig at kuryente, kwalipikadong staff, mga basic health at recreational facilities, at administrative office ang naturang mga nursing home.





Comments