5.1 lindol, yumanig sa Antique

by Mai Ancheta @News | November 26, 2026

Photo: Phivolcs
Nakaranas ng 5.1 magnitude na lindol ang lalawigan ng Antique nitong Miyerkules ng umaga na nagresulta sa suspensiyon ng klase sa ilang bayan sa Iloilo.
Inilikas ang mga estudyante sa mas ligtas na lugar, pati na ang mga kawani ng gobyerno at mamamayan na may transaksyon sa mga tanggapan ng gobyerno.
Batay sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol alas-7:29 ng umaga at ang epicenter nito ay naitala sa Valderrama, Antique.
Naramdaman ang lindol sa buong Western Visayas at ilang bahagi ng Negros Island region, Central Visayas at Romblon.
Agad sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa mga bayan ng Pototan, Cabatuan, Badiangan at New Lucena sa Iloilo province.
Wala pang report ang Phivolcs kung may nasaktan o napinsala sa naganap na lindol.





Comments