top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

495 Pinoy sa Sabah, nakauwi na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | July 5, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Nakauwi na ang 495 Pinoy na stranded sa Sabah, Malaysia, karamihan dito ay manggagawang walang legal na dokumento, sa kanilang probinsiya.


Dumating ang mga unang batch ng repatriated sa Bongao, Tawi-Tawi na sinalubong nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Task Force covid-19 Chief Implementer Carlito Galvez, Presidential Spokesperson Harry Roque at Tawi-Tawi Governor Yshmael Sali.


“Nag-usap-usap nga kami nila governor kung anong maitutulong ng lokal at saka ng nasyonal para mapabuti ang inyong buhay,” sabi ni Galvez.


Gayunman, kahit na sumailalim na ang mga ito sa swab testing sa Malaysia, kailangan pa rin silang mag-undergo ng quarantine sa Tawi-Tawi.


Sa ngayon, mayroon pang 4,000 Pinoy na nakatakdang umuwi sa ating bansa mula Sabah.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page