ni Angela Fernando @News | July 19, 2024
Umabot sa 46% ng mga pamilyang Pinoy o 12.9-milyon ang nagsasabing sila ay mahirap habang 30% ang itinuturing ang kanilang sarili na nasa hangganan at 23% naman ang nagsasabing hindi sila mahirap, ayon sa First Quarter 2024 Social Weather Survey (SWS) na isinagawa nu'ng Marso 2024.
Matatandaang hindi nalalayo ang resultang ito nu'ng Disyembre 2023 na nagsabing 47% ng mga pamilyang Pinoy ang nagsasabing sila ay mahirap habang 33% ang itinuturing ang kanilang sarili na nasa hangganan, at 20% ng mga pamilya ang nagsasabing hindi sila mahirap.
Ayon sa SWS, ang tinatayang bilang ng mga pamilyang nagsabing sila ay mahirap ay 12.9-milyon nu'ng Marso 2024 at 13.0-milyon nu:ng Disyembre 2023.
Ang First Quarter 2024 Social Weather Survey ay isinagawa mula Marso 21-25, 2024, gamit ang face-to-face interviews ng 1,500 adults (18 taong gulang pataas) sa 'Pinas, kung saan 600 ang nasa Balance Luzon, at 300 bawat isa sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.
Comments