43-M bakunadong Pinoy
- BULGAR
- Dec 19, 2021
- 1 min read
@Editorial | December 19, 2021
Bago matapos ang taon, umabot na sa kabuuang 43 milyong Pinoy ang fully vaccinated laban sa COVID-19.
Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, ang data ay mula pa noong Disyembre 16. Samantala, mayroong na ring 56 milyong Pinoy ang nakatanggap na ng kanilang first dose.
Kaugnay nito, umabot na rin sa isang milyong Pinoy ang nakatanggap naman ng kanilang booster shots kontra COVID-19.
Sa kabuuan, mayroon ng 55.78 percent ng target population ng bansa ang naturukan nang COVID-19 vaccine.
Gayunman, naunang sinabi ng gobyerno na target nilang mabakunahan ng COVID-19 vaccine ang 54 milyong Pinoy sa katapusan ng 2021.
Mabuting balita na marami sa atin ang nakikipagtulungan sa gobyerno kaugnay sa paglaban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapabakuna.
Bagama’t marami nang nagpapabakuna, meron pa ring hanggang ngayon ay hindi kumbinsido.
Pero magkakaiba man ang pagkakaintindi o paniniwala, manaig sana ang respeto sa kapwa.
Sa huli, may bakuna man o wala, maging responsable tayo sa laban kontra COVID-19. Hangad natin ang masaya at ligtas na Pasko para sa lahat.



Comments