40.9 M Pinoy nabakunahan na kontra-COVID-19

ni Lolet Abania | September 19, 2021

Mahigit na sa 18 milyon Pilipino na ang nabakunahan kontra-COVID-19 mula nang simulan ng pamahalaan ang inoculation program noong Marso 1, pahayag ng Department of Health.
Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa isang interview ngayong Linggo, nakapag-administer na ang gobyerno ng aabot sa 41 milyon doses mula sa iba’t ibang COVID-19 vaccines base sa kanilang record hanggang nitong Setyembre 18, 2021.
Para naman sa supply ng bakuna, sinabi pa ng opisyal na sa ngayon, nakatanggap na ang bansa ng mahigit 59 milyon doses ng COVID-19 vaccine na mula sa mga international manufacturers.
“Sa 40.9 million, 22.6 million sa first dose at 18.2 million sa complete dose,” ani Cabotaje.





Comments