top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

4 years nang biyuda… Binatang manliligaw, dapat nang sagutin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | July 10, 2024



Dear Maestro,


Apat na taon na rin ang nakakalipas mula nang mamatay ang asawa ko. 

Sa ngayon, may nanliligaw sa akin na isinilang noong June 12, 1994, at mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon.


Maestro, magka-compatible kaya kami? Kung sakali mang magkatuluyan kami, uunlad at liligaya kaya ang bubuuin naming pamilya?  Ang birthday ko ay December 17, 1992.


Umaasa,

Kianne Joy ng Maburak, Gapan, Nueva Ecija



 

Dear Kianne Joy,


Wala namang problema kung magkatuluyan kayo ng lalaking manliligaw mo ngayon na isinilang noong June 12, 1994, lalo na kung binata at wala pa siyang pamilya. 


Nangyaring ganu’n, dahil nagkataon na ang zodiac sign mong Sagittarius ay tugma sa zodiac sign niyang Gemini. Naging tugma kayo, dahil ang Sagittarius ay may elementong apoy habang ang Gemini naman ay pinangingibabawan ng elementong air o hangin. 


Ayon sa Oriental Astrology, pinaniniwalaang tunay ngang tugma ang fire at air, dahil ang pagsasama ng hangin at apoy ay sadya namang compatible. Kung saan, hinihipan ng hangin ang apoy upang lumakas ang dingas nito at inaasahang habambuhay na magiging maligaya ang kanilang pagsasama.


Ganundin yundin ang kinalabasan sa pagsusuri ng aspetong pang-Numerology. Kung saan, ang strong number mong 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8) ay maganda ring isama sa martir at matiising birth date na 12 o 3  (ang 12 ay 1+2=3) ng lalaking manliligaw mo. Kung saan, ayon sa pang-istatistikang tala maraming Taong Otso na may birth date na 8, 17, at 26, ang nakakatuluyan silang Taong Tres na may birth date na 3, 12, 21, at 30. 


Kaya kung may pagtingin ka na rin sa nasabing lalaki, lalo na kung wala naman siyang pamilya na nagkataon pang mabait at may matatag naman siyang trabaho, walang masama kung sasagutin mo na siya. Ihanda mo na ang sarili mo dahil hindi ka dapat manatiling balo o nag-iisa sa buhay kahit pa sabihing may mga anak ka na, siyempre kailangan mo pa rin ang makakasama lalo na sa panahon ng iyong pagtanda. 


Sa piling ng nasabing lalaki na may zodiac sign na Gemini, kahit mas matanda ka pa sa kanya ng dalawang taon, tiyak ang isang maunlad, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page