top of page
Search
  • BULGAR

4 Tips para ma-enjoy ang buhay

ni Mharose Almirañez | June 26, 2022



Happiness is a choice.


Hindi mo man mahanap ang eksaktong depinisyon, sagot at dahilan kung paano maging masaya sa kabila ng napaka-toxic at napaka-unfair na mundo ay ‘wag kang mag-alala, sapagkat hindi lang ikaw ang nag-iisang emo… marami tayo.


Insomnia, depression, stress at anxiety. Magkakaiba man ang ating paraan para i-overcome ang mga ito, narito ang ilang tips upang mas madali mong ma-enjoy ang buhay:


1. UMALIS SA COMFORT ZONE. Sabi nga ni Albert Einstein, “Anyone who has never made a mistake has never tried anything new,” Subukan mong maging risk taker, spontaneous and go with the flow. I-overcome mo ang lahat ng phobia na mayroon ka. Baliin mo ang paulit-ulit na routine. Sumalungat ka sa cycle. Umalis ka sa ‘shell’. Mas exciting ‘yung hindi mo nape-predict ang mangyayari. Huwag kang matakot subukan ang unplanned tasks dahil magkamali ka man, sa huli ay mayroon ka namang matututunan.


2. MAGING OPTIMISTIC. Sabi nga nila, “Look at the bright side.” Hindi man pumabor sa iyo ang sitwasyon, batay sa inaasahan mong mangyari ay huwag kang panghihinaan ng loob at manatili kang positibo. Sa halip na kaawaan ang iyong sarili, tingnan mo ang kabilang anggulo ng problema dahil paniguradong hindi puro kalungkutan ang hatid niyan kundi iba’t ibang perspective.


3. MAKIPAG-SOCIALIZE. Gaanuman kabigat ‘yung pagsubok na kinakaharap mo, huwag na huwag mo hahayaang lamunin ka niyan nang buo. “Mind over matter,” ‘ika nga. Mag-unwind ka. Ang pakikisalamuha sa ibang tao ay isang paraan para malaman ang iba’t ibang pananaw ng iba sa buhay. Dito mo rin mari-realize na hindi lang ikaw ang problemado sa mundo dahil marami tayo. Marami pang may mas mabigat na problema kaysa sa iyo.


4. MANALANGIN SA DIYOS. Ang pakikipag-usap sa Diyos ay parang pakikipag-usap mo na rin sa ‘yong sarili. Nakakagaan sa pakiramdam tuwing mataimtim mong nasasabi ang mga nakapagpapabigat sa loob mo. ‘Yung nagiging vocal ka, ‘yung naa-analyze mo verbally ‘yung thoughts mo, ‘yung hindi ka magdadalawang-isip na huhusgahan ka Niya sa anumang sinasabi mo. Ang totoo ay napakaraming puwedeng ipagpasalamat sa Diyos, kaya sana ay hindi ka lang tuwing problemado nakikipag-usap sa Kanya.


Ilan lamang ang mga ‘yan sa dapat gawin upang hindi ka lamunin ng lungkot. Pagkatapos mong subukan ang mga nabanggit, unti-unti mo na ito gawing habit at obserbahan ang makikitang improvement sa iyong sarili.


Isipin mo na lamang na kapag may nawala ay may darating na higit pa. Huwag mong panghinayangan ‘yung mga nawala o hindi mo nagawa dahil higit pa ru’n ang magiging kapalit. Tandaan, walang ibang tutulong sa ‘yo kundi ikaw mismo.


Choice mo kung magiging masaya o malungkot ka. YOLO!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page