top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

4 patay, 1 kritikal sa pagsabog ng fuel tank

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 10, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | October 10, 2020




Apat ang namatay at marami ang nasugatan matapos ang naganap na pagsabog ng fuel tank sa isang gusali sa Beirut, Lebanon, ayon sa Lebanese Red Cross.


Sa ulat ng security sa Beirut, sumiklab din ang sunog nang dahil sa pagsabog sa isang gusali sa Tariq al-Jadida at mga kalapit na kabahayan.


Gayundin, isa pa rito ang nasa kritikal na kondisyon habang marami ang ginagamot sa ospital dahil sa smoke inhalation at nasugatan, ayon sa Red Cross at hospital source sa Beirut.


Inaalam pa ng awtoridad ang halaga ng napinsala at pinagmulan ng pagsabog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page