4 mayors sa NCR, ‘nganga’ sa raket na STL-con jueteng
- BULGAR
- Dec 21, 2022
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | December 21, 2022
MAMAMAYAN NA PABOR SA MAHARLIKA INVESTMENT FUND, MALAMANG HINDI MEMBER NG GSIS, SSS AT WALANG IPON SA LBP AT DBP—Ayon sa bagong tatag na survey firm na “Tangere”, isa sa dalawang Pinoy ay pabor sa Maharlika Investment Fund.
Walang duda, ang mga pabor sa MIF ay hindi member ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS). Wala rin siguro silang savings sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP), kaya pabor sila sa investment.
◘◘◘
PANAHON NI DIGONG NAGING TALAMAK ANG SHABU—Sabi ni Sen. Ronald dela Rosa, na dapat ibalik ang “tokhang” dahil nagbabalikan ang mga sindikato ng ilegal na droga sa Pilipinas.
‘Sus, kung makapagsalita si Dela Rosa, akala mo naman natigil ang operasyon ng drug syndicate sa Pilipinas, eh, sa totoo lang, sa panahon ng Duterte administration ay mas lalong naging talamak ang ilegal na droga sapagkat kung noong panahon ng Aquino administration ay kilo-kilong shabu lang ang pumapasok sa bansa, nang maluklok si Digong ay naging tone-tonelada pa ito.
◘◘◘
MAYOR TEODORO, MAYOR SOTTO, MAYOR ZAMORA AT MAYOR ABALOS, “NGANGA” SA RAKET NA STL-CON JUETENG—Hindi lang pala sa jurisdiction ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro nag-o-operate ang STL (Small-Town Lottery)-con jueteng nina “Kits” at “Egay”, nag-o-operate rin umano ang raket sa balwarte nina Pasig City Mayor Vico Sotto, San Juan City Mayor Francis Zamora at Mandaluyong City Mayor Ben Abalos.
Kung ganun, “nganga” lang pala ang apat na alkalde sa pangraraket. Tsk!





Comments