top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

4-K private school teachers na tambay, saklolohan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17, 2020
  • 1 min read

@Editorial | September 17, 2020



Mahigit 4,000 guro ang apektado matapos suspendihin ng 865 private schools ang kanilang operasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Bagama’t makatatanggap ng tulong sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2, alam nating hindi ito makakasapat sa kanilang pangangailangan.


Ang private education sector ang masasabing pinakaapektado ng pandemic.


May mga pribadong paaralan ang aminadong walang kakayahang sumunod sa minimum health standards.


Problema rin nila ang mababang enrollment rate.


Una nang sinabi ng Department of Education na nasa 398,933 estudyante mula sa mga private schools ang lumipat sa mga pampublikong paaralan. Ito ang resulta ng kawalan din ng trabaho o paghina ng negosyo ng mga magulang ng bata. Sa halip na patigilan sa pag-aaral ay pinili na nilang pansamantalang ilipat sa public ang mga anak.


Sa ganitong sitwasyon wala ring ibang magagawa ang mga guro kundi ang humanap ng ibang trabaho o mapagkakakitaan.


Ang kailangan nila ay masasabing pangmatagalang mapagkakakitaan at hindi ayuda na pambayad lang sa tubig at kuryente.


Sana’y magbukas ang mga oportunidad mula sa iba’t ibang kumpanya para sa kanila.


Magagaling ang ating mga guro, tiyak na malaki ang kanilang maiaambag sa ekonomiya na kailangang ibangon mula sa pandemya. Bigyan natin sila ng pagkakataon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page