top of page

4-k pasaway na drivers, suspendido — LTO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 15, 2020
  • 1 min read

ni BRT | September 15, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Mahigit 4,000 drivers na maraming traffic violations ang sinuspindi ng Land Transportation Office (LTO) na mag-drive sa Metro Manila.


Sa listahan na isinumite ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa LTO, aabot sa 11,000 drivers ang nahuli dahil sa paglabag sa batas-trapiko sa EDSA.


Sa pahayag ni traffic chief Edison Nebrija, aabot pa rin sa 7,000 ang pinayagang makapagmaneho sa kabila ng pagiging “habitual violators".


Napag-alaman na ngayong taon, sa 509 na aksidente sa EDSA, 105 ang naaksidente dahil sa mga inilagay na concrete barriers.


Kabilang din sa mga dahilan ng aksidente ang human error, nakakatulog sa pagmamaneho at ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page