4 days na straight ang duty... Sekyu, nang-hostage ng 13-anyos
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Maeng Santos @News | August 24, 2026

Photo: Circulated. Caloocan City
Hinostage ng 47-anyos na security guard ang 13-anyos na kapitbahay at kasamahang guwardiya na kanyang boardmate sa Caloocan City, Sabado ng umaga.
Unang hinostage ni alyas Ernie ang kapitbahay na si alyas MRT alas-7:50 ng umaga sa loob ng isang bahay sa Brgy. 28 habang armado ng patalim at hiniling na mabigyan siya ng P9,500 pamasahe pabalik sa Iloilo at makausap ang kanyang pamangkin na si alyas Makmak.
Nang tangkaing kausapin ng kanyang kapwa sekyu at boardmate na si alyas Ervin ang suspek, pati siya ay pinigilang makalabas at hinostage na rin ng suspek hanggang sa makapagresponde ang mga tauhan ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili.
Sa pangunguna ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth, matiyaga silang nakipagnegosasayon sa suspek hanggang tuluyang makumbinsing sumuko alas-12 ng tanghali matapos maibigay ang hinihinging salapi at isuko ang ginamit na patalim.
Ligtas namang nasagip ng pulisya si “Ervin” at ang menor-de-edad na biktima na nagtamo ng kaunting sugat sa daliri.
Ayon sa kapatid na babae ng suspek, apat na araw na duty ang suspek na walang tulog at kulang sa pagkain kaya’t nakaranas ng depresyon.
Hindi rin umano pinasahod ng dating security agency ang suspek kaya’t hindi makauwi ng kanilang lalawigan sa Iloilo.
.





Comments