4 bodyguards ni Pope Francis, nagpositibo sa COVID-19
- BULGAR

- Oct 13, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | October 13, 2020

Apat na miyembro ng Vatican Swiss Guards, ang elite corps na nagpoprotekta sa Pope, ang nagpositibo sa test sa COVID-19, ayon sa ulat ng Vatican.
Sa isang pahayag ng Vatican, bukod sa Swiss Guards, may tatlong iba pang residente ng nasabing lugar ang naiulat na nagpositibo sa test sa Coronavirus noong nakaraang linggo.
Pinaniniwalaang ang apat na miyembro ang kauna-unahang kawal na Swiss na tinamaan ng COVID-19. Gayunman, ayon sa Vatican, ang apat na nagpositibong Swiss Guards ay may mild symptoms lamang.
Isinailalim na ang mga ito sa isolation at nagsasagawa na ng tracing sa kanilang mga nakasalamuha at direct contact.
Gayundin, nagpapatupad na ang Vatican ng preventive measures tulad ng pagsusuot ng masks sa tuwing lalabas ng bahay at pagpa-practice ng social distancing.
Subali’t marami ang nakapansin na mismong si Pope Francis ay walang suot na facemask kapag nagbibigay ng mensahe sa kanyang mga tagapakinig. Ilan din sa mga closest aides ng Pope ay hindi nagsusuot ng masks habang nakakasama ang ibang tagapakinig.
Samantala, karamihan sa Swiss Guards ay mga single na nakatira sa isang barracks sa loob lamang ng Vatican gates. Ang mga commanders at may-asawang miyembro nito ay naninirahan naman sa hiwalay na apartments. Lahat ng elite corps ay may nationality na Swiss.





Comments