3rd baby girl nina Geoff at Maya, ipinanganak na
- BULGAR

- Nov 1, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 1, 2020

Isinilang na ang third baby ng aktor na si Geoff Eigenmann at wife na si Maya Flores kahapon.
Agad na nag-post sa IG si Geoff ng photo ni Maya at kanilang baby girl na si Pepper matapos manganak ng kanyang asawa.
"Penelope Rose Eigenmann 'Pepper' born 10/31/20 at 11:11am we are now a family of 5," caption ni Geoff sa kanyang post.
Noong September, inanunsiyo ng couple na inaasahan nila ang paglabas ng kanilang little girl, kung saan pang third baby ito ng mag-asawa.
Nabanggit din ng dalawa na magpapakasal sila noong April 2019, pero hindi ito natuloy.





Comments