top of page
Search
  • BULGAR

37-anyos na takot tumandang dalaga, may chance pang makapag-asawa

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| March 1, 2021





KATANUNGAN


  1. Wala pa akong boyfriend ngayon kahit 37 years old na ako, kaya naman naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung may tsansa ba akong tumandang dalaga at hindi na makapag-asawa pa? Sa lahi kasi namin, tumatandang dalaga ang mga babae tulad ng mga tiyahin ko sa both sides ng parents ko.

  2. Pero may nakikita naman akong Marriage Line sa aking palad, kaya hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Ang tanong ko lang ngayon, Maestro ay kung talaga bang magkaka-boyfriend at makapag-aasawa ako at kung oo ang sagot, kailan ako makapag-aasawa?


KASAGUTAN


  1. Tama ka, Loraine, may malinaw at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Kaya hindi ka talaga dapat kabahan na tumandang dalaga, sa halip, tulad ng nasabi na, dahil may malinaw naman na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad at ang nasabing guhit ay makapal at mahaba.

  2. Ibig sabihin, sadyang nag-aalala ka lang at kinakabahan dahil nasa depeligrosong edad ka na sa gulang na 37, na nagiging dahilan kaya nagiging negatibo ang iyong pananaw sa buhay at sa kasalukuyan mong sitwasyon.

  3. Gayunman, ang iyong lagda na may maayos na bilog ang letrang “y” sa pinaka-buntot nito, na siya ring tinatawag na phallic symbol ay nagsasabing sa edad mong 37 pataas, buo at sumusulak pa rin naman ang iyong libido, pagnanasa at init ng katawan. Kaya tulad ng nasabi na, hindi ka dapat mabahala na tumandang dalaga, bagkus basta’t panatilihin mo lamang ang pagkakaroon ng at kaakit-akit na pigura at magandang hubog ng katawan, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, huhulugan ka ng langit ng isang lalaking itinakda upang makasama mo habambuhay, na nagtataglay ng zodiac sign na Taurus.

DAPAT GAWIN


Habang, ayon sa iyong mga datos, Loraine, nakatakda na ang magaganap — ang kinaiinipan mong pagkakaroon ng boyfriend na hahantong sa tuluyang pag-aasawa at pagkakaroon ng masaya at panghabambuhay na pamilya ay itinakdang mangyayari at matupad sa 2022, sa buwan ng Setyembre o Oktubre sa edad mong 38 pataas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page