top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

34K pasahero, na-monitor ngayong Holy Wednesday — PCG

Writer:  BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 27, 2024




Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na higit sa 19,000 na pasahero na papalabas at 14,000 na pasahero na papasok ang binantayan sa mga pantalan sa buong bansa sa maagang bahagi ng Holy Wednesday.


“On 27 March 2024 (12MN to 6AM), the PCG monitored 19,979 outbound passengers and 14,462 inbound passengers in all ports nationwide,” pahayag ng PCG.


Isinagawa ang inspeksyon sa 218 sasakyang pandagat at 56 motorbanca, ayon sa PCG.

Upang pamahalaan ang dumaraming pasahero, nagtakda ang ahensiya ng mas mataas na alert status sa kanilang mga distrito at istasyon mula Marso 24 hanggang 31.


Kung may mga tanong o alalahanin tungkol sa mga patakaran at regulasyon sa pagbiyahe ngayong Holy Week, maaaring makipag-ugnayan sa PCG ang mga taong naglalayong bumiyahe sa dagat, sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook page o sa Coast Guard Public Affairs Service sa numerong 0927-560-7729.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page