ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 27, 2024
LIMA — Umabot na sa 32 katao ang bilang ng namatay dahil sa dengue fever virus sa Peru, mula sa umpisa ng 2024.
Nagdeklara na ang pamahalaan ng health emergency sa maraming bahagi ng bansa noong Lunes.
Sinabi ni Health Minister Cesar Vasquez na umabot sa 31,300 ang kabuuang bilang ng kaso sa unang walong linggo ng taon, na tumaas mula sa 24,981 sa unang pitong linggo.
“There are 20 regions (out of 25) that will be declared in a health emergency due to dengue,” pahayag ni Vasquez sa lokal na istasyon ng radyo.
“The weather has created a perfect breeding ground for mosquitoes to reproduce more quickly and become a more frequent vector of the disease,” aniya.
Karaniwang nakukuha ang dengue sa pamamagitan ng kagat ng mga lamok na may dala ng virus, na nagdudulot ng mga sintomas tulad ng lagnat, pagduduwal, pagsusuka, pagkapagod, at pananakit ng katawan.
Noong nakaraang taon, 428 katao sa Peru ang namatay dahil sa dengue, na may 269,216 na na-infect, ayon sa opisyal na datos.
Comentarios