3 yrs. daw ang tanda ng singer… ANGELINE, UMAMING TAGA-OKADA ANG BAGONG LALAKI
- BULGAR

- Aug 7, 2020
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 7, 2020

Naka-chat namin si Angeline Quinto at kinulit namin tungkol sa sinasabing boyfriend niya na naka-post sa Instagram account niya.
Ang lalaking binabanggit ay naka-side view at komento ni @cathymorisson, “Natatawa ako sa mga nag-comment na dyowa, hindi ba puwedeng kaibigan o kamag-anak? Ano ba, guys? Siyempre, eh, declares iyan ni Angge ‘pag puwede namang i-share sa public ang love life niya. For now, chill lang tayo. Obviously, hindi niya dyowa dahil hindi sila magkatabi.”
Pero nauna rito ay may larawang ipinost si Angeline kasama ang lalaki na pareho silang naka-peace sign na sabi ng netizen ay ito raw ang kasama ng mang-aawit sa Tiktok.
Hindi naman itinanggi ng dalaga ang tungkol sa sinasabing boyfriend niya.
“Ah, ‘yun po, kaibigan ko pa lang po, special friend po,” bungad niya.
Dagdag pa ng singer, “Well, special po in a way na everyday ko siya nakakausap, kahit naman po hindi everyday magkasama dahil sa pandemic, nag-a-update naman po kami madalas sa isa’t isa.
“Pero hindi pa po siya nakikilala ng Mama Bob. Hopefully po, maging maayos na lahat, maipakilala ko siya kay Mama.”
Sa madaling salita, may special someone na si Angeline. At paano naman niya ito nakilala at ano ang trabaho?
“Medyo matagal na po, Ate Reg, siguro kung hindi po ako nagkakamali, year 2012 or 2013 po. Na-meet ko po thru common friends din po. From Sampaloc, Manila po and alam ko, sa Okada po siya nag-work, Ate Reg,” say nito.
Okada, hindi ba’t nagsara na ito dahil sa pandemya?
“Opo, sa Okada. Hindi pa naman po (nagsara) Ate Reg. Pero hindi pa po lahat nakakapag-work ulit. Mas bata po sa ‘kin ng 3 years. Ha ha ha ha ha ha!”pag-amin ng dalaga.
Nagpasalamat naman ang mang-aawit sa sinabi naming suportado namin siya kung saan siya masaya sa larangan ng pag-ibig.
“Ate Reg, maraming salamat po," aniya.
Nitong Martes ay katatapos lang ng dalawang linggong quarantine ni Angeline kaya tinanong namin kung bakit at saan siya nanggaling.
“For A.S.A.P. po kasi, every month po mag-tape po kami ng A.S.A.P., need po namin mag-quarantine ng 2 weeks po,” pagtatapat ng dalaga.
Dati raw ay rapid testing sila but since nabalita na hindi epektibo ito kaya swab test na sila nitong susunod na linggo.
At ngayong Linggo ay live ang A.S.A.P. sa studio.





Comments