top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

3, patay sa magkahiwalay na insidente sa Negros Oriental

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 22, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | July 22, 2020




3 ang namatay sa magkahiwalay na barilan sa Guihulngan City sa northern part ng Negros Oriental.

Nakilala ang dalawang biktima na si Jimmer Fundador at Romeo Dungo-an na parehong mambababoy. Binaril ang dalawa ng hindi pa nakikilang armadong lalaki sa isang village sa Magsaysay noong July 21.

Ayon sa pulisya, in-ambush ang dalawang lalake at binaril ng maraming beses.

Agad itong dinala sa Guihulngan District Hospital ngunit idineklara ng patay pagdating.

Samantala, isang lalake muli ang binaril sa village naman sa Malusay.

Kinilala ang biktima na si Joel Daza, 51 years old, tricycle driver at residente ng Poblacion ng village ng Guihulngan.

Ayon sa report ng pulis, nagmamaneho ng kaniyang tricycle si Daza ng biglang may humintong riding in tandem at agad itong binaril. Pumanaw on the spot ang biktima. Tatlong bala ng caliber .45 pistol ang nakuha sa crime scene.

Sa ngayon ay hindi pa nakikilala ng pulisya ang suspek at motibo sa pagpatay sa mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page