top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

29-Anyos na atat magka-gf, magkaka-dyowa ngayong 2022

  • BULGAR
  • Jul 17, 2022
  • 3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| July 17, 2022


Dear Maestro,


Isinilang ako noong December 20, 1992 at tama kayo na mahina ang loob ko, kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong girlfriend. Bukod sa mahina ang loob ko, mahiyain din ako, lalo na sa mga babae kaya umabot ako ng edad 29 nang hindi pa rin nagkaka-girlfriend.


Pero pangako ko sa aking sarili na bago ako tumuntong ng edad 30 ay may girlfriend na ako. Matutupad ko ba ang pangako kong ito na magkaka-girlfriend na ako ngayong taon?


Gayundin, sinu-sino ang mga babaeng ka-compatible ko na dapat kong ligawan? Sana ay maanalisa n’yo rin ang aking pirma upang malaman kung may dapat pa akong baguhin.


Umaasa,

Zaydin ng Lugam, Malolos City, Bulacan


Dear Zaydin,


Nasa pagitan kasi ng zodiac sign na Sagittarius at Capricorn ang iyong birth date na December 20, 1992, kaya bukod sa mahina ang loob mo at mahiyain ka, minsan ay magulo rin ang iyong isipan at emsoyon dahil sa paghahatakan ng dalawang zodiac sign sa iyong pagkatao. Dahil dito, hindi mo matiyak kung ikaw ay mas naiimpluwensiyahan ng Sagittarius o Capricorn.


Gayunman, para mas madali nating matiyak kung anong zodiac sign ang mas umiimpluwensiya sa iyo, subukan mong tingnan ang aparador ng iyong mga damit. Bilangin mo kung ano ang mas maraming kulay. Halimbawa, mas marami bang kulay itim na damit o mas maraming kulay na pula at asul? Kung mas marami ang itim na damit, ipagpalagay nating ikaw ay Capricorn, pero kung mas marami ang asul at pula, nananaig sa pagkatao mo ang pagiging Sagittarius.


Kailangan nating malaman ang nabanggit na pagsusuri upang mabatid natin kung sino-sino rin ang mga babaeng ka-compatible mo na dapat mong ligawan.


Samantala, kung nanaig sa iyo ang pagiging Capricorn, ka-compatible mo silang mga isinilang sa zodiac sign na Taurus, Virgo, Cancer at kapwa mo Capricorn, higit lalo silang mga isinilang sa mga petsang 8, 17, 26, 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, at 31.


Ngunit kung nanaig sa pagkatao mo ang Sagittarius, ka-compatible mo naman ang mga isinilang sa zodiac sign na Leo, Aries, Gemini at kapwa mo Sagittarius, higit lalo silang mga isinilang sa petsang 9, 18, 27, 6, 15, 24, 3, 12, 21, 30, 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29.


Hinggil naman sa iyong lagda, bahagyang inobasyon ang dapat mong ipatupad. Kung saan, sobrang liit at hindi mabasa ang salita. Upang magka-girlfriend ka na at maging maligaya sa larangan ng pag-ibig, lakihan mo ang pagsulat ng iyong lagda at siguraduhing nababasa ang mga salita. Sa ganyang pirma, magkakaroon ka na ng tiwala sa iyong sarili at maipapakita mo sa buong mundo kung sino ka talaga. Kapag kasi sobrang liit ng pirma, para bang hindi mo malaman kung ano talaga ang papel mo sa mundo at parang nahihiya ka ring ipakilala kung sino ka talaga. Dahil dito, hindi nakita ng lipunan ang iyong kahalagahan, talento at iba pang mga positibong bagay sa iyong pagkatao.


Sa ibang salita, dahil sobrang liit ng iyong lagda, imbes na mas maraming babae ang humanga sa iyo, hindi ka nila hinahangaan dahil pilit mong itinatago sa daigdig ang iyong angking kakayahan at tunay na pagkatao.


Subalit kung lalakihan mo ang pagsulat ng iyong lagda, kasabay nito ay palagi kang maglalabas ng bahay tuwing sasapit ang buwan ng Abril, Mayo hanggang Oktubre, tiyak ang magaganap, Zaydin, ngayong 2022 at sa edad mong 29 pataas, matutupad mo ang pangako mo sa iyong sarili – magkaka-girlfriend ka na ng chubby, hanggang sa tuluyan ka nang makapag-asawa at magkaroon ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page