24,284 positibo... 104 health workers patay sa COVID-19 — DOH
- BULGAR

- Sep 15, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 15, 2021

Nasa kabuuang 104 healthcare workers ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19, batay sa datos ng Department of Health (DOH). Sa pinakabagong situational report ng DOH, may kabuuang 24,284 healthcare workers ang nagpositibo sa test sa COVID-19 na nai-record hanggang Setyembre 13.
Sa nasabing bilang, nasa 23,814 naman ang nakarekober na habang 366 ay patuloy na ginagamot at nagpapagaling. Sa ngayon, may 221 ang active cases ng COVID-19 sa mga health workers na nakararanas ng mild symptoms, 95 sa kanila ay asymptomatic, 21 ay severe ang kondisyon, 20 ang nasa moderate condition, at siyam ang kritikal.
Samantala, matatandaang ang mga healthcare workers ay nagsagawa ng nagkilos-protesta hinggil sa pagkaantala ng kanilang special risk allowances (SRA) sa gitna ng pandemya.
Dahil dito, ayon sa Department of Budget and Management, nag-release sila ng karagdagang P888.12 milyon para sa pondo sa SRA ng mga health workers, habang sinabi ng DOH na patuloy silang nangangalap ng budget para tugunan ang kakulangan pa at maibigay na ang mga benepisyo ng mga medical frontliners.








Comments