22 sa kumbento nagpositibo sa COVID-19

ni Lolet Abania | September 16, 2021

Isinailalim na sa special concern lockdown ang isa pang kumbento sa Quezon City dahil sa naireport na hawaan ng COVID-19.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, tinatayang nasa 22 indibidwal ang nagpositibo sa COVID-19 sa Convent of the Holy Spirit, kung saan mayroong 90 residente ang religious institution.
“Ongoing po ‘yung investigation dito. Tinitingnan namin kung merong epidemiologic link ‘yung dalawang kumbento,” pahayag ni Dr. Rolly Cruz, head ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit.
Aniya, nagsasagawa na rin ng contact tracing para agad matukoy ang pinagmulan ng hawaan ng sakit.
Una nang nai-report ng Quezon City government ang tungkol sa pagkakaroon ng outbreak ng coronavirus sa Religious of the Virgin Mary convent sa Barangay Kaunlaran, kung saan 114 ang nagpositibo sa COVID19.
Kabilang dito ang 64 na mga madre, habang ang iba ay mga lay partner, caregiver at driver.





Comments