top of page
Search
  • BULGAR

22 patay sa Bagyong Quinta

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 31, 2020




Umakyat na sa 22 ang bilang ng mga namatay sa Bagyong Quinta batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Biyernes.


Nasa 16 katao ang naiulat ng NDRRMC na bilang ng mga namatay noong Huwebes. Sugatan naman ang 39 katao at apat ang nawawala sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas at Central Visayas regions.


Tinatayang 176,532 pamilya o 775,513 katao ang naapektuhan ng Bagyong Quinta sa 2,469 barangay at 2,206 pamilya o 8,649 katao ang nananatiling nasa evacuation centers.


Nawalan din ng kuryente ang ilang lugar sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas at Central Visayas regions.


Ayon pa sa NDRRMC, 52,689 bahay ang nasira ng naturang bagyo. Umalis sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Quinta noong Martes.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page