2026 budget, busisiing maigi kontra-korupsiyon
- BULGAR
- 2 days ago
- 1 min read
by Info @Editorial | October 1, 2025

Kasalukuyang binubusisi sa Senado at Kamara ang panukalang P6.793 trilyong national budget para sa 2026.
Dito pa lang, dapat nang maging malinaw: hindi ito ordinaryong usapin. Ito ang magtatakda kung saan mapupunta ang pera ng taumbayan.Sa dami ng isyu ng korupsiyon, hindi na puwedeng ipikit ng mga mambabatas ang kanilang mga mata.
Kailangang suriing mabuti ang bawat item, bawat ahensya, at bawat sentimo.Hindi ito panahon ng palakasan o padulas. Panahon ito ng masusing pagtatanong at paninindigan. Kung may alokasyong hindi malinaw ang layunin o mukhang sobra-sobra, alisin.
Kung may ahensyang paulit-ulit nang nasasangkot sa anomalya, bawasan ang pondo at imbestigahan.Huwag na sanang maulit ang mga dating pagkakamali — kung kailan aprubado na ang badyet, naibayad na’t lahat saka naman mabubunyag ang mga iregularidad.
Matuto na sa kasaysayan. Huwag nang hayaang ang kaban ng bayan ay mapasakamay ng mga mapagsamantala.
Ang taumbayan ay naghihintay ng magandang resulta. Kung talagang para sa bayan ang pondo, dapat may pananagutan at malinaw ang direksyon.
Comments