top of page

Tatay busy sa panonood ng TV, 2 yrs. old nalunod, patay

  • BRT
  • Jun 23, 2020
  • 1 min read

Nasawi ang dalawang taong gulang na paslit makaraang malunod sa balon sa Bgy. Dulangan, Pilar, Capiz.

Base sa impormasyon ng Bombo Radyo, hindi umano napansin ng mga magulang na naligo ang biktima sa balon. Abala umano ang tatay sa panonood ng telebisyon habang abala naman sa pagtutupi ng damit ang kanyang ina.

Hanggang sa makita na lamang ng ama ang anak nitong lumulutang sa balon.

Bagam’t, dinala pa ang anak sa ospital ay idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page