top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Palpak na desisyon ng lahat ng gobyerno sa buong mundo, dahilan kung bakit malaki ang negatibong epe

  • Ka Ambo
  • Jun 21, 2020
  • 2 min read

Sinisante ng bus company na Victory Liner ang may 400 kawani—drayber, konduktor at iba pa.

Isusunod dito ang higit pang 1,000 personnel na masisibak din sa taong ito.

Tuldok lamang ito ng gabundok na krisis sa ekonomiya sa taong ito!

◘◘◘

MAHIRAP masukat ang negatibong epekto ng COVID-19.

Pero, sa totoo lang, hindi COVID-19 ang may kasalanan dito, bagkus ay ang palpak na desisyon ng lahat ng gobyerno sa buong mundo!

◘◘◘

IMBES na retiradong heneral ang nagpapatakbo ng ating bansa, dapat ay mga ekspertong health specialist, mathematician at statistician.

Ang lahat ng problema ay nareresolba gamit ang simpleng matematika!

◘◘◘

DAPAT masusing kino-compute ang epekto ng lockdown in “money terms”.

Kumbaga, pera-pera lang talaga ang dapat usapan!

◘◘◘

HALIMBAWA, imbes na maglustay ang gobyerno sa libreng “relief goods”, dapat ginamit ito sa massive testing at virus tracer sa lahat ng barangay.

Ibig sabihin, dapat pumakyaw ang gobyerno ng personal protective equipment para sa health workers at contact tracers!

◘◘◘

MAS dapat tinutukan ang pag-aayos ng massive testing center, quarantine area, gamot at pasilidad sa mga nagkakasakit at positibo sa virus.

Agad ihiwalay ang may sakit—severe, mild at may kaduda-dudang sintomas mula sa malaking bulto ng populasyon.

Sila ang dapat bigyan ng financial na ayuda, pagkain, gamot at pangangailangan — hindi ang mga natutulog lang sa kanilang mga bahay!

◘◘◘

DAPAT at iniwasang iparalisa ang takbo ng ekonomiya at sinikap na ihiwalay lamang kung sino man ang magkakasakit—mula sa mga walang sakit.

Bakit ipaparalisa mo ang buong katawan — gayung malusog ka?

◘◘◘

KUMBAGA, kung may pilay ang kamay, aba’y siya ang gamitin at lagyan ng benda.

Lihis na lihis na sistema ang iparalisa ang “galaw ng tao”.

Ito ay paglabag sa Konstitusyon at humanidad!

◘◘◘

ANG pagpaparalisa ng galaw ng tao sa buong mundo ay sintomas ng kahinaan ng utak ng mga decision makers.

Hindi lahat ng payo ng WHO, China o eksperto ay palaging susundin!

◘◘◘

KAPAG malusog ang ekonomiya, kayang tustusan ng salapi ang pagpapagamot ng sinumang magkakasakit.

Kapag bangkarote ang ekonomiya, walang salapi ang bawat tao—kahit simpleng sakit, hindi makakabili ng gamot ang mga magkakasakit.

Matematika ang dapat ginagamit ng gobyerno!

◘◘◘

GAANO ang salaping mauubos kapag tinustusan nang libre ang pagpapagamot sa lahat ng magkakasakit?

Gaano ang mauubos na salapi kapag pinakain mo nang libre araw-araw ang 100 milyong katao?

◘◘◘

KAILANGAN ng Pilipinas at buong mundo ng mga bagong lider na may sentido kumon at hindi nagpapadikta sa mga eksperto.

Ligaw na ang takbo ng mundo!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page