Dalawang alupihan sa ilalim ng kama, pahiwatig na puwedeng magkasakit kaya dapat obserbahan ang sari
- Socrates Magnus
- Jun 21, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Erlyn na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin ng panaginip na dalawang alupihan sa ilalim ng kama?
Naghihintay,
Erlyn
Sa iyo Erlyn,
Tulad ng madalas nating sinasabi, rito sa mundo, ang pinakamahalaga at numero-unong dapat bigyan ng importansiya ay ang buhay o life. Ito rin ang patakaran ng gobyero kaya may lockdown, kumbaga, unang pahalagahan ay ang buhay kaysa sa hanapbuhay.
Sabi rin ng isa sa pinakamayamang negosyante, aanhin natin ang pera o kita kung marami naman ang namamatay na ating mga kababayan?
Kaya sa bawat gagawin natin, dapat ang unang sisilipin ay ang tungkol sa buhay. Ang mga panaginip sa insekto, lalo na ang alupihan ay iniuugnay sa mga karamdaman na maaaring kumapit sa tao.
Sa ganitong pagkakataon, ang kalusugan ay ang kalagayan ng kanyang buhay. Gayundin, ang una mong dapat gawin ay maging tapat sa sarili, tingnan mo kung mahina ang katawan mo ngayon. Pakiramdaman mo ang iyong sarili kung may nararamdaman kang pagbabago o paghina, pananamlay at kawalan ng gana kumain.
Kapag mahina ng resistensiya o immune system ng tao, ang simbolo ng alupihan na maaaring magkasakit ang tao sanhi ng pagpasok ng mikrobyo, bakterya o virus ay mararanasan niya.
Muli, obserbahan mo ang sarili mo at kumonsulta ka sa pinagkakatiwalaan mong doktor. Kung sakaling okey na okey ka, ang isa pang kahulugan ng panaginip sa alupihan ay ang dumarami ang nagnanais na ikaw ay bumagsak, mabigo at humina. Sila ang mga lihim mong kaaway kaya mag-ingat ka.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo Del Mundo




Comments