top of page

Kaalaman tungkol sa tinatawag na “Third Party Claim” o “Terceria”

  • Persida Acosta
  • Jun 20, 2020
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Ako ay isang maliit na business owner lamang. Ngayon, mayroong dumating na court sheriff sa katabing business ko kung saan ay na-levy ang kanyang mga gamit. Matapos nito ay dumaan din ang sheriff sa akin at sinabihan akong kasama sa execution ang mga kagamitan ko sa business. Hindi ko maintindihan kung paano nangyari ‘yun sapagkat wala naman akong kaso. Tingin ko ay nagkamali lang sa pagkakasama sa levy of execution ang kagamitan ko sa business. Ano ang maaari kong gawin upang hindi masama sa pagdampot ang mga gamit ko?

- Che Che

Dear Che Che,

Bilang pang-unang solusyon sa iyong sitwasyon, maaari ninyo i-apply ang probisyon sa ating Rules of Court na tinatawag na “Third Party Claim” o mas kilala sa tawag na Terceria. Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 16, Rule 39 ng ating Rules of Court ang solusyon sa tulad na sitwasyong mayroon kayo, viz:

“Sec. 16. Proceedings where property claimed by third person.

If the property levied on is claimed by any person other than the judgment obligor or his agent, and such person makes an affidavit of his title thereto or right to the possession thereof, stating the grounds of such right or title, and serves the same upon the officer making the levy and a copy thereof upon the judgment obligee, the officer shall not be bound to keep the property, unless such judgment obligee, on demand of the officer, files a bond approved by the court to indemnify the third-party claimant in a sum not less than the value of the property levied on. In case of disagreement as to such value, the same shall be determined by the court issuing the writ of execution. No claim for damages for the taking or keeping of the property may be enforced against the bond unless the action therefor is filed within one hundred twenty (120) days from the date of the filing of the bond.” (Binigyang-diin)

Base sa nabanggit na Rule, maaaring mapigilan ang pag-levy sa inyong kagamitan sa inyong negosyo sa pamamagitan ng mga sumusunod: (a) gumawa ng affidavit o sinumpaang-salaysay na magpapakita ng iyong titulo o anumang legal na basehan sa paghawak sa naturang kagamitan at (b) ipadala ang affidavit o sinumpaang-salaysay sa sheriff at sa judgment obligee (iyong nanalo sa kaso na nagpapa-execute).

Matapos ninyong gawin ang dalawang (2) hakbang na nabanggit, hindi na obligado ang sheriff na kunin o i-levy ang inyong mga gamit sa inyong negosyo maliban na lamang kung magbigay ng bond na aprubado ng korte ang iyong judgment obligee. Sa ganitong sitwasyon, ang mga maaari ninyong gawin ay alinman sa mga babanggitin: Una, mag-claim ng damages sa bond; pangalawa, mag-motion sa korte; at pangatlo ay magsampa na ng hiwalay na kaso sa korte upang mabawi ang mga nasabing kagamitan.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page