top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tricycle vs motorsiklo, 1 patay

  • BRT​
  • Jun 19, 2020
  • 1 min read

Quezon—Isang driver ang namatay at sugatan ang isang rider nang aksidenteng magkabanggaan ang kinalululanan nilang tricycle at motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Bacungan, Lopez.

Ang nasawi ay nakilalang si Bernabe Escobar, driver ng tricycle, samantalang ang sugatan ay si Mark Coron, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.

Batay sa imbestigasyon, kapwa umano mabilis ang takbo ng tricycle na pinapasada ni Escobar at motorsiklong minamaneho ni Coron kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.

Kaagad dinala ng mga saksi ang ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Escobar.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na aksidente.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page