Kahit matagal pa, inaayawan na agad… PACQUIAO FOR PRESIDENT SA 2022, PINALAGAN NG MGA NETIZENS
- Nitz Miralles
- Jun 19, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Ang dami agad nag-comment sa post ni Lolit Solis na may hinala siyang ang sinasabing malaking pasabog ni Kris Aquino sa kanyang Instagram ay talk show na pagsasamahan nina Kris at Sen. Manny Pacquiao.
Sabi ni Lolit, may nakapagbulong sa kanya nito at hintayin kung tama ang bulong sa kanya.
Sa nabasa naming comments, natutuwa ang mga netizens sakaling totoong may pinaplanong show para kina Kris at Sen. Manny dahil miss na nilang mapanood si Kris na nagho-host. Pero karamihan sa mga comments, ayaw nilang tumakbong presidente ng bansa si Manny. Puwede naman daw tumulong sa mahihirap kahit hindi tumakbong president.
Ang gustong malaman ng mga netizens, lalo na ng loyal supporters ni Kris, ay kung sino ang tao na tumulong sa kanya na ang clue pa nga ni Kris ay “in a world that seems devoid of loyalty, there are a few good men who have continued to honor my mom’s memory by looking out for her 'baby.'”
Sino kaya ang tao o mga taong ito?
Incidentally, deleted na ang post ni Kris sa IG tungkol sa mga tumutulong sa kanyang makabalik bilang host. Para lang malabo na sa ABS-CBN siya magkaka-show kung sakali dahil paulit-ulit nang sinasabi ni Kris na ayaw na ng network sa kanya at matagal na niya itong natanggap.





Comments