NORA, NAGSALITA NA SA PAGPASOK SA PULITIKA
- Erlinda Rapadas
- Jun 19, 2020
- 1 min read
Erlinda Rapadas / Teka Nga

Finally, nagbigay na rin ng statement ang one and only Superstar na si Nora Aunor tungkol sa nababalitang pagtakbo niya bilang senador sa 2022 elections.
Sa ilang malalapit na kaibigan-supporters ay nasabi ng premyadong aktres na wala sa plano niya ang muling sumabak sa political arena. Focused siya ngayon sa pamamahagi ng ayuda sa ilang mahihirap na pamilyang nawalan ng hanapbuhay, mga senior citizens at maging sa mga kababayang LSI (local stranded individuals) na namalagi sa Terminal 3 ng NAIA na dinala sa Villamor Elementary School at Villamor Golf Course.
Pero isang partylist ang matagal nang nanliligaw at kumukumbinse kay Aunor na muling subukan ang kanyang kapalaran sa pulitika. Marami raw silang handang sumuporta sa kanyang kandidatura dahil alam nilang very much deserving si Nora na maging isang public servant. At nakikita naman ng lahat na sinsero siya sa kanyang pagtulong.
Samantala, nang dumating ang 50 kaban ng bigas na galing sa bukid niya sa Iriga, naisip ni Ate Guy na ipamahagi ito sa mga nangangailangan. Nakatulong niya sa pagre-repack ng bigas sina John Rendez, Jojo Afable at ang kanyang mga PA na sina Tami at Manay Elsa. Namigay din ng sandwich at boiled eggs ang grupo ni Nora.
Nagpapaabot din ng pasasalamat si Aunor sa mga loyal fans-supporters na nag-asikaso sa distribution ng food packs sa Villamor Air Base Elem. School at sa Baclaran Church at iba pang nasa paligid ng simbahan. Kasama rito ang PR man-cum manager niyang si Rodel Fernando at sina Edgar Castro, Robert Gannon, Henry Galang, Bei Guevarra, Delia Landagan atbp..
Comments