top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nagtitinda ng merienda at maraming kostumer, sign na lalakas ang karisma

  • Socrates Magnus
  • Jun 18, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Joan na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Nagtitinda ako ng mga merienda na ako mismo ang nagluto. Espesyal ang mga tinda ko dahil sinunod ko ‘yung itinurong paraan ng lola ko nang siya ay nabubuhay. Maraming bumili sa akin at nang bilangin ko ang pera ko, higit pa ‘yun sa inaasahan ko. Inisip ko kung paano nangyari ‘yun, tapos naalala ko na ‘yung iba ay hindi na kumuha ng sukli.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Sabi ng tita ko, magtinda ako kasi magkakatotoo raw ang panaginip ko.

Naghihintay,

Joan

Sa iyo Joan,

Ngayong may COVID-19 pandemic, mahirap paniwalaan, pero ang daming nagtinda. ‘Yung iba sa tapat ng bahay nila, ‘yun iba naman ay sa loob ng bahay at ang iba ay nag-online selling, tapos ipinade-deliver sa kostumer ang paninda.

Kaya siguro nasabi ng tita mo na magkakatotoo ang panaginip mo dahil kapag ginawa mo ito, baka hindi ka na tumigil sa katitinda, lalo na kung ang paraan ng pagluluto mo ay ‘yung itinuro ng matatanda. Ito ay dahil ngayon, ang ginagawa ng mga nagtitinda ay basta makapagtinda lang at mabilis na niluluto kaya ang mga millennial o ang mga tao ngayon, hindi nila nalasahan ang masarap na pagkain ng ating mga ninuno.

Pero alam mo, bagama’t tulad ng nasabi ng tita mo na kikita ka sa pagtitinda, ang tunay na kahulugan ng iyong panaginip ay ang iyong mararanasang pagtaas ng antas ng iyong karisma kung saan marami ang magkakagusto sa iyo.

Ibinabalita rin ng iyong panaginip na kapag may napili ka sa mga magkakagusto sa iyo, ikaw ay pinaniniwaalang mag-aasawa na.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page