top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

GCQ pa rin ang Metro Manila, ganu’n lang?!

  • Ka Ambo
  • Jun 17, 2020
  • 1 min read

Nanatili sa GCQ ang Metro Manila.

‘Yun lang, ganun lang!

◘◘◘

TUMAAS ang presyo ng karneng baboy.

Pwes, mag-manok kayo!

◘◘◘

ITLOG at hindi sardinas ang “national food” sa panahon ng COVID-19.

At omelet na sardinas ang national recipe!

◘◘◘

NAGPAPASALAMAT ako sa aking Inang Talia kasi tinuruan niya akong magluto noong ako ay paslit pa.

Nagamit ko ang lahat ng kanyang personal recipe nang mag-lockdown!

◘◘◘

PUWEDE nang magbiyahe ang taxi.

Mainam naman!

◘◘◘

NAUNA nang pinayagan ang traysikel.

Sabi ng tsuper nang pinara ko: “Sir, isa lang po ang puwedeng sumakay dito sa traysikel”.

Sagot ko: “Kung sasakay ako, eh, sino ang magda-drive?”

◘◘◘

AYON kay P-Digong, kailanman ay hindi siya nagdemanda sa alinmang hukuman laban sa sinumang journalist.

Ang humatol kay Maria Ressa ay korte, hindi ang Malacañang!

◘◘◘

KAILANMAN, hindi humahatol ng kasong libelo ang executive branch.

Ang mga kaso ay hiwalay na dinidinig ng Judiciary.

Mahirap bang isipan ‘yan?

◘◘◘

MALINAW na malinaw.

Palpak ang DOH!

◘◘◘

IAAYOS na ang airport sa Pag-asa islands.

Ngayon lang?

◘◘◘

BUBUWISAN daw ang online sellers.

Isusunod na bubuwisan—ang laway na lalabas sa sobrang reklamo ninyo.

He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page