top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Utang sa buwis ng POGO, singilin muna bago ipatupad ang paniningil ng tax sa mga online seller

  • Korina Sanchez
  • Jun 16, 2020
  • 2 min read

Kamakailan ay lumabas ang balita na papatawan na rin ng buwis ang mga nag-o-online selling.

Laganap ang pagbebenta online ng halos lahat ng kagamitan at pagkain kung saan pati grocery ay maaari na rin mabili o ma-order online dahil sa mahigpit na quarantine na tumagal ng halos tatlong buwan.

Kaya naman nang pumutok ang balita tungkol sa tax para sa mga online seller, natural lang na umangal ang mga ito. Halos tatlong buwan ang quarantine kung saan malaki ang nabawas sa kanilang benta at ngayong may paraan na para gumalaw ang negosyo at makabawi, buwis agad ang nababadya sa kanila.

Dahil sa matinding pagpuna ng mamamayan, nilinaw ng BIR na paalaala lang ang nais nilang ipamahala sa mga online sellers at hindi naman agad bubuwisan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, na ang mga kumikita lang ng mahigit P200, 000 kada taon ang papatawan ng tax, pero kailangang magparehistro ng mga online sellers.

Sa pahayag ng Department of Finance (DOF), na talagang ipatutupad nila ang pagrehistro ng lahat ng online sellers. Pero kapag rehistrado na, madali nang habulin ng BIR, hindi ba?

Sa totoo lang, wala na tayong ibang narinig mula sa administrasyong ito kundi bagong buwis o tax na naman. Unang ipinatupad ang TRAIN Law kung saan malaki ang nadagdag sa presyo ng gasolina at iba pang produkto. Tapos ngayon, gusto pang patawan ng buwis ang online sellers?

Gayunman, may mga mambabatas na umangal sa mga panukalang ito. Sinita nila ang mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na pagmamay-ari ng mga Chinese kung nakabayad na ng buwis sa kabila ng lahat ng perwisyong ipinasok nito sa bansa, anila’y baka puwedeng maglabas ng pahayag ang BIR kung nakabayad na sila dahil ang alam ko, sila ang may malaking utang sa bayan.

Kung naghahanap ng pera ang gobyerno dahil malaki ang ginastos sa Bayanihan To Heal As One Law, hindi ba dapat singilin na muna lahat ng utang ng POGO bago ipasa na naman sa mamamayan ang buwis?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page