390 distressed OFWs, balik-bansa na
- Gina Pleñago
- Jun 15, 2020
- 1 min read

Nakauwi na ng Pilipinas ang nasa 390 distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula Laos at Norway dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinalubong ito ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang 125 OFWs ay mula sa Laos, na pawang sakay ng Air Asia flight Z2 8293, samantalang ang 265 ay pawang mga seaman na mula naman sa Norway at sakay ng Evelop Air EV 659.
Ayon sa DFA, sabik na sabik ang nabanggit na mga OFWs na makauwi ng Pilipinas upang makapiling nila ang kanilang pamilya.
Gayunman, ayon sa DFA base na rin sa direktiba Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID), kailangang sumailalim ang mga ito sa COVD-19 test.
Bukod sa pagsusuri ay sasailalim din ang nabanggit na mga OFWs sa 14-day quarantine upang malaman kung sila ba ay positibo o negatibo sa naturang virus at tiyaking hindi ito makahawa.
Ang nabanggit na mga OFWs ay na-stranded sa nabanggit na mga bansa dahil sa COVID-19.





Comments