top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sota, hinete at trainer nag-thank you sa SAP

  • Ding Taboy
  • Jun 14, 2020
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Isa ang industriya ng karera na nakinabang sa programa ng gobyerno mula sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) at ito ay pinasasalamatan ng sota, hinete at trainer sa panahon ng pananalasa ng COVID -19.

Ang cash assistance mula Department of Labor and Employment (DOLE) na ipinamahagi sa mga hinete, sota at trainer ay umabot ng P5,000.00 hanggang P8,000.00.

Sa pagputok ng COVID-19 marami sa hanay ng mga manggagawa sa karerahan ang naapektuhan kabilang ang sota, hinete at trainer na walang palagiang kita, o mga tinatawag na contractual, ibig sabihin sila ang mga “No Work, No Pay” na indibidwal.

Sa tulong ng kinabibilangang samahan o may-ari ng mga kabayo ay nakakuha sila ng Social Amelioration program.

Laking pasasalamat ng mga manggagawa sa DOLE dahil isa sila sa may nakuhang pakinabang sa SAP. Malaking tulong ang ipinamigay na cash assistance sa bawat kasapi ng sota,hinete, at trainer lalo na iyong mga hindi naipapanalo ang kabayo.

Nagpapasalamat din ang mga may-ari ng kabayo dahil naging katuwang nila ang gobyerno na tulungan ang mga manggagawa sa industriya ng karera.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page