Obligasyon at karapatan ng mag-asawa
- Persida Acosta
- Jun 14, 2020
- 3 min read
Ang mga sumusunod na probisyon ang obligasyon ng bawat mag-asawa. Ang mga ito ay itinalaga ng batas na kanilang gagampanan sa sandaling kanilang ibigay ang kanilang pagsang-ayon na pumasok sa buhay may-asawa:
“Art. 68. Husband and wife are obliged to live together, observe mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support.”
Art. 70. The spouses are jointly responsible for the support of the family. The expenses for such support and other conjugal obligations shall be paid from the community property and, in the absence thereof, from the income or fruits of their separate properties. In case of insufficiency or absence of said income or fruits, such obligations shall be satisfied from the separate properties.
Art. 71. The management of the household shall be the right and the duty of both spouses. The expenses for such management shall be paid in accordance with the provisions of Article 70.
Art. 72. When one of the spouses neglects his or her duties to the conjugal union or commits acts which tend to bring danger, dishonor or injury to the other or to the family, the aggrieved party may apply to the court for relief.”
Ito ang sinasabi ng Family Code of the Philippines sa kung ano ang karapatan at obligasyon ng mag-asawa sa isa’t isa at sa kanilang binuong pamilya. Obligasyon ng mag-asawa na magsama, magmahalan, magrespetuhan, maging tapat sa isa’t isa, magtulungan at magsuportahan para sa ikabubuti ng bawat isa, pamilya at kanilang mga anak. Ang mga obligasyon at karapatang ito ay ang epekto ng kasal na nagbubuklod sa isang babae at lalaki na nagmamahalan.
Subalit kapag hindi maiwasang ang mag-asawa ay kinakailangang magkalayo dahil ang isa sa kanila ay kinakailangang magtrabaho sa ibang lugar, pinahihintulutan ng batas na hindi magsama ang mag-asawa. Maliban sa dahilang ito ay obligasyon ng mag-asawa ang magsama sa kanilang itinalagang family home o conjugal dwelling.
Sa pagkakataon na ang isa sa mag-asawa ay inabandona ang pamilya hindi dahil sa dahilang kailangan niyang magtrabaho sa malayong lugar kung hindi ay umalis nang walang dahilan at paalam at hindi na niya magampanan ang obligasyong ito, nangangahulugan lamang na siya ay tumalikod na sa kanyang sinumpaang tungkulin.
Ang sabi ng batas, kung ang isang asawa ay hindi na magampanan ang kanyang obligasyon sa conjugal union, ang asawang naagrabyado ay maaaring pumunta sa hukuman upang makakuha ng kaluwagan (relief). Ang mga hakbang na maaaring gawin ay maghain ng Petition for Declaration of Nullity of Marriage o Legal Separation sa ilalim ng Article 36 at 55 ng Family Code kung saan isinasaad ang mga sumusunod:
“Art. 36. A marriage contracted by any party who, at the time of the celebration, was psychologically incapacitated to comply with the essential marital obligations of marriage, shall likewise be void even if such incapacity becomes manifest only after its solemnization.
x x x
Art. 55. A petition for legal separation may be filed on any of the following grounds:
x x x
(10) Abandonment of petitioner by respondent without justifiable cause for more than one year.”
Magkaiba ang epekto ng mga nabanggit na hakbangin. Sa Petition for Legal Separation, ang mag-asawa ay magbubukod lamang ng tirahan pero hindi pa rin napapawalang-bisa ang kasal kaya hindi sila maaaring magpakasal sa ibang tao. Samantala, sa Petition for Declaration of Nullity of Marriage, ang kasal ay napapawalang-bisa at magbibigay ng karapatan sa mga dating mag-asawa na muling makapag-asawa.
Anumang hakbangin ang pipiliin ay kinakailangang kumonsulta sa abogado dahil na rin sa mga implikasyong legal ng mga nasabing hakbangin.
Comments