Kung si Winwyn, sa Navy… ARCI, PROUD NA UNANG FEMALE CELEB NA NAG-MEMBER SA PHIL. AIR FORCE
- Nitz Miralles
- Jun 14, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Napa-comment ng “Hanep!” si Jericho Rosales nang makita ang post ni Arci Muñoz na naka-military uniform dahil isa na siyang reservist ng Philippine Air Force.
Post ni Arci, “Maligayang Araw ng Kasarinlan mahal kong Pilipinas! Ngayong araw din ang aking unang pisikal na pagsasanay bilang kauna-unahang babae sa aking henerasyon at propesyon na sumailalim sa #philippineairforce reservist BCMT-Basic Citizen Military Training. Hinihikayat ko po ang aking mga kapwa kababaihan na mag-enlist. Marami pong salamat sa aking Philippine Air Force family. Asahan n'yo po ang aking buong-pusong dedikasyon at serbisyo.”
Pangalawa na si Arci sa mga aktres na nag-enlist sa military. Nauna nang nag-enlist at isa na ring reservist sa Philippine Navy si Winwyn Marquez.





Comments